Beginners Japanese Course

   

Tutulungan namin kayong matututo ng Nihongo para sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Mag-enjoy sa pag-aaral kasama ang mga indibidwal mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Nagsimula na ang aplikasyon para sa KPIC Japanese Classes (Taglagas 2025)!

Mga target na kalahok at kanilang antas sa Nihongo

1. Mga Baguhan
  – Mga unang beses pa lang nag-aaral ng Nihongo
  – Mga marunong nang bumasa ng hiragana at katakana
2. Mga dayuhang residente na nakatira, nagtatrabaho, o nag-aaral sa Kyoto Prefecture
3. Mga nasa mid/long-term stay (nakatira sa Japan at gustong matuto ng Nihongo para sa pang-araw-araw na pamumuhay)
4. 18 taong gulang pataas

*Ang antas ng klase ay napagpapasyahan sa pamamagitan ng panayam kasama ang guro sa Nihongo.

I-click dito para sa level guide (Self-check sheet)

>Para mag-apply

Mon/Thu Regular Course (Class I: 15 tao  Class II: 15 tao)
Class I: Para sa mga baguhan at halos baguhan
Class II: Para sa mga nakakaunawa ng hiragana at may konting kaalaman sa Nihongo

●Saturday Conversation Course (Class I: 15 tao  Class II: 15 tao)
Class I: Para sa mga nakakaintindi ng simpleng Nihongo kapag nakikinig
Class II: Para sa mga nakakapagpahayag ng opinyon at ideya gamit ang simpleng Nihongo

Iskedyul at Nilalaman

Ang klase ay ituturo sa wikang Nihongo. (Direct method)
Para sa lahat ng klase, ang mga materyales ay ihahanda at ibibigay ng sentro.

●Mon/Thu Regular Course 
  Oktubre 2 (Huwebes) – Disyembre 18 (Huwebes), 2025
   Class I : 13:30-15:45     Class II : 10:30-12:45 
   Tuwing Lunes at Huwebes, kabuuang 20 lessons
   Kyoto Prefectural International Center

Magsisimula ang klase sa simpleng materyales at unti-unting lilipat sa mas mataas na antas.
Ang mga sumusunod na textbook ang gagamitin:
 


●Saturday Conversation Course  
  Oktubre 11 (Sabado) – Disyembre 13 (Sabado), 2025
   Class I : 10:30-12:45   Class II :  13:30-15:45  
  Tuwing Sabado, kabuuang 10 lessons
   Kyoto Prefectural International Center
  
 Ang kursong ito ay para sa mga taong nais na aktibong gumamit at magsanay ng praktikal na Nihongo na kailangan sa pang-araw-araw na buhay at pakikipagkomunikasyon.

Placement interview

*Ang mga interview ay isasagawa nang harapan (sa KPIC –- Kyoto TERRSA, East Bldg. 3F).
 Detalyadong impormasyon ay ibibigay pagkatapos ng iyong aplikasyon.

●Mon/Thu Regular Course: Setyembre 25 (Huwebes) 10:30–14:00
●Saturday Conversation Course: Oktubre 4 (Sabado) 10:30–12:00
 (Pagtanggap ng mga aplikante hanggang 11:30)

*Kung ang resulta ng iyong level-check quiz ay magpakita na ang antas ng iyong Nihongo ay hindi angkop para sa kursong inaalok, maaaring hindi ka payagang sumali.
*Kung puno na ang klase, bibigyan ng prayoridad ang mga unang nag-apply.
*Maaaring tumagal bago matukoy ang iyong klase.

Bayad sa Kurso

Mon/Thu Regular Course: Class I/II -- 10,000 yen para sa 20 lessons
Saturday Conversation Course: Conversation Class I/II-- 5,000 yen para sa 10 lessons

●Mangyaring magbayad cash sa araw ng iyong interview.

*Walang refund pagkatapos magbayad.
*Pareho ang bayad kahit sumali ka matapos magsimula ang kurso.

Pagtanggap ng mga aklat

・Ibibigay namin ang mga aklat at iba pang materyales sa araw ng interview.

Propesor

Propesyonal na guro sa Nihongo na nakarehistro sa KPIC (may karanasan).

Pag-apply

(1) Email registration
Mangyaring irehistro ang iyong email address gamit ang sumusunod na link:
https://forms.office.com/r/wL00jiCzj2
(Siguraduhin na pinapayagan ng iyong email settings na makatanggap ng mga mensahe mula sa KPIC)

(2) Application and Interview Reservation
Sa pamamagitan ng link (URL) na ipapadala sa iyong rehistradong email, kumpletuhin ang iyong aplikasyon at magpareserba ng interview.

Mga Paalala

・Huwag malate, huwag umalis nang maaga, at huwag lumiban.
・Ang mga makakadalo sa 80% o higit pa ng mga klase ay makakatanggap ng Certificate of Completion sa huling araw.
・Kung ikaw ay liban, ipaalam agad sa iyong guro.

Inisponsor ng

Kyoto Prefectural International Center
TEL.075-681-4800 FAX.075-681-2508

電話 

Kyoto Prefectural International Center
3F East Bldg. Kyoto Terrsa,70 Higashikujo shimotonoda-cho,Minami-ku,Kyoto
Open / 10:00-18:00
Closed /Tuesdays, National holidays, 12/29-1/3
TEL : 075-681-2500 / FAX : 075-681-2508